Sunday, February 28, 2010

Ukay-Ukay


KAPAPASA ko ng katatapos ko lang sulatin na istorya. Hindi ko na muna babanggitin ang pamagat dahil baka ibahin ng mga patnugot; at siyempre, maghihintay pa ako ng ilang linggo bago malaman kung pasado ba ang aking sinulat. Masaya ako sa pagsusulat ng istoryang ito at talagang kinulit kong mabuti ang aking utak hanggang sa huli upang magkaroon ng kulay at buhay ang istorya at ang mga karakter.

Ang nagtulak na inspirasyon dito ay ang hilig ko sa ukay-ukay.

Palibhasa lumaki akong hindi nakamit ang mga bagay na masasabi kong "desirable" at "collectible", ngayong may edad na ako at kaya nang bumili ng halos lahat ng bagay na aking naisin (mind you, as in, lahat!), masasabi kong hindi lahat ay aking nais ariin.

Ang ukay-ukay ay malawak na ang sakop. Hindi na lang ito para sa damit na kung nais mong mahanap ang nais mong bilhing segunda mano ay kailangang hukayin mo ang madalas na bunton na paraan ng pagbebenta ng mga ito. Subalit ang hindi maganda sa mga pnagyayari, marami ang sabay-sabay na nag-speculate na negosyuhin ang pagbebenta ng mga segunda mano (hindi katulad noon na si Eloy's lang ang sikat); dala na rin siguro ito ng katotohanang ang kayang bilhin ng karaniwang tao ay mga pinaglumaan ng iba. Kumbaga, ang basura para sa isa ay kayamanan para sa iba. Kaya naman ngayon, ang mga ukay-ukay naka-hanger na---naku, dagdag sa presyo ang paraan ng pagkaka-display ng merchandise! Nawala na tuloy ang excitement ng paghukay sa bunton ng segunda manong damit---ang nais ko pa rin kasi ay ang maghukay hindi ang isa-isahin ang mga nakasabit na damit gaya ng estilo sa mga department store.

O sige, nandoon na tayo. Mas maganda nga namang tingnan ang naka-hanger, pero...NAH!

Kaya naman ang ninais ko ay hindi damit (paminsan-minsan na lang iyon na bumili ako ng segunda manong damit at mayroon partikular na style akong hinahanap), nagsanga na ang aking sakop, kaya naman kahit na anong bagay na ninais ko noong ako ay maliit pa, basta nakakita ako sa garage sale at flea market ay binibili ko sa kahit na ano pa ang halaga.

Halimbawa na lang ang mga Matchbox! Noong ako ay mga siyam o sampung taong gulang, nakita kong naglalaro ng Matchbox ang aking mga pinsang lalaki at kung minsan pa nga ay nakipaglaro ako sa kanila o kaya ay hiniram ko ang kanilang mga laruang kotse. Ito ay ang panahon na ang mga laruang ito ay Made in England ang nakatatak sa ilalim kasama ang taon ng produksiyon. Ngayon ay Made in China, Indonesia, Bangladesh, Vietnam, atbp. ang mga produktong nabibili ngayon. Hindi sa minamaliit ko ang mga bagay na yari mula sa mga bansang ito; sa tingin ko kasi ay nawawala ang "soul" ng bagay kapag masyadong marami ang nagmamay-ari ng iisang produkto.

"It's hot and everybody wants it!" Kung ano ang uso, 'ika nga.

Sa ngayon, ang vintage na meron ako at labis akong nasisiyahan ay ang mga blusang ipinamana sa akin ni Lola. Nitong mga nakakaraang panahon ay bumibili na rin ako ng mga bagay na hindi ko nakamtan noong ako ay bata pa, kaya naman meron na akong sariling Matchbox toys! Medyo shabby na ang condition ng mga laruang ito na natagpuan ko sa isang charity jumble sale, pero ako ay nasisiyahan na makita ang mga ito lalo na kapag ang aking anak ay pinaglalaruan ang mga ito. Nasisiyahan akong sabihin na bibihira ang bata na may laruang kasing-edad o mas matanda pa kesa kanyang magulang.
(Note: Ang sasakyang nasa larawan sa itaas ay isang Matchbox (manufacture date sa ilalim ay 1968)replica ng Volkswagen Beetle. Iyan ang kotseng nasa aking isipan para sa istorya.)

Sunday, January 17, 2010

Kailangan ay SATISFACTION GUARANTEED!


Mahirap ang paiba-iba ng isip. Iyon ay totoo. Pero sa pagkakataong ito ay dahil umiiral ang aking "perfectionism". Hindi ako perpekto at hindi rin ako minsan nagk-crave ng perfectionism; ang nais ko lang ay "satisfaction". Iyon, at least, ay mahalaga sa bawat kalakaran ng ating buhay dahil mahirap maabot ang perpekto.

Katulad na lamang nitong sinusulat kong istorya para sa My Special Valentine. Noon pang Nobyembre ko sinimulan ang istoryang ito. Halos nasa pagtatapos na ako; pero hindi ko pa rin magawang tapusin dahil may tila kulang sa karakter ng lalaki. Para bang hindi siya ang tipo ko? Para bang kulang siya nu'ng "excitement factor" o kaya ay masyadong scintillating ang karakter ng bidang babae na nagmukhang lackluster ang karakter nitong si lalaki. Iyon ang aking problema sa ngayon. Sa totoo lang; apat na beses ko nang iniba ang istorya (baka nga mahigit pa). Iyan ang proseso ng improvement. Hangga't hindi ako nasisiyahan ay hindi ko titigilan ang istoryang ito dahil an interest is at stake. Naka-feature dito ang isang hilig---retro clothes. Kaya nga ang tentative title ay "I Love You, Miss Retro". Hindi man nakalahad ang komprehensibong impormasyon tungkol sa mga damit na retro ay nakapaloob naman ang aking pananaw tungkol sa pagsusuot ng segunda manong damit at kung anu-ano pang bagay na luma.

Well, hindi ko na masyadong bibigyan pa ng palabok. Halata sa istorya na ako ay pabor sa segunda mano; ito ay paraan ng pagre-recycle. Ang nais kong maabot at maatim ng tao ay huwag tingnan na may paghuhusga ang taong ang kaya lamang isuot na damit ay segunda mano. Ang mahalaga naman ay masaya tayo, hindi ba?

Heto ang isang bahagi ng istorya:

“She’s quite attractive in a different sort of way,” kasalukuyang wika ng may kaarawan na si Barry kay Egil nang matanawan ng mga ito si Paisley na kumukuha ng punch sa buffet table. “It’s like falling in love with somebody from your mother’s generation.”

“You can say that again,” tugon ni Egil na napangiti. “She could go back as early as Lola Carmina’s generation.” Dagdag pa ng binata nang maalala ang papuri ng aguela sa dalaga.

“In my oponion, retro is cool, it is classic.” wika pa ni Barry. “It is better to wear the old style than to blend in a faceless crowd. Sa panahon ngayon, hindi mo na ma-pin-point kung sino ang mayaman at sino ang mahirap dahil halos pare-pareho ang style ng suot. Hindi mo masabi kung authentic ba o knock-off ang mga damit at accessories sa ngayon.”

“At kanino mo natutuhan ang wisdom na iyan?” Tanong ni Egil dito na nagulat sa sinabi nito.

“Pare, nasa garment business ang pamilya ni Mary Ann at wala na akong narinig na kuwento kundi ang what to wear and what not to wear,” pakli nito. “I admire people who express their individuality by not going along with the flow.”

“Do you think Paisley is like that?”

“More than that,” seryosong tugon ng kaibigan ng binata. “Mula sa mga narinig kong kuwento tungkol sa iyong Miss Retro, she’s a class on her own. I heard she stood her ground with Marjorie. Kilala ko ang pinsan mo. Lahat ng kausapin niya, kung hindi mawalan ng poise ay nagkaka-nervous breakdown. On top of that, Georgina left for the States this morning and rumour has it that she’s thinking of having a breast enhancement operation because you dumped her---daw!” Sa tonong iyon ay umalis ito at nagtungo sa isa pang grupo ng mga bisita.

Iyan po ang preview...

Friday, June 12, 2009

Isang Tula tungkol sa Siyudad ng Londres


(Picture is courtesy of my friend Cristina from Larvik, Norway. Nang makita ko ang larawang ito sa kanyang www.friendster.com site ay naalala ko ang isang coffee mug na bigay sa akin ng kapatid kong si Raquel na may biyenang nakatira sa London. Ang gusaling nasa kaliwang background ay ang Methodist Central Hall. Iyon ang nakalarawan sa mug na bigay sa akin.)

COMPOSED UPON WESTMINSTER BRIDGE ( http://en.wikipedia.org/wiki/Westminster_Bridge )
(William Wordsworth)
Earth has not anything to show more fair:
Dull would he be of soul who could pass by
A sight so touching in its majesty:
This City now doth like a garment wear
The beauty of the morning; silent , bare,
Ships, towers, domes, theatres, and temples lie
Open unto the fields, and to the sky,
All bright and glittering in the smokeless air.
Never did the sun more beautifully steep
In his first splendour, valley, rock, or hill;
Ne'er saw I, never felt a calm so deep!
The river glideth at his own sweet will:
Dear God! the very houses seem asleep;
And all that mighty heart is lying still!
Saan ka nakakita ng ganyan kagandang tula?
Ginamit ko ang tulang ito sa isang istorya, The Lady in Red Velvet ang tentative title. Una kong narinig ang recitation nito sa album na may titulong "Of Love and Hope", soundtrack ng Beauty and the Beast (TV series). Hindi pa ako nakakarating sa Londres o London. Ang totoo, noong Mayo 2003, nakabili na kaming mag-asawa noon ng tiket patungo sa Inglatera; kaso, nang araw na kami ay patungo na doon, nagkasakit naman itong asawa ko.
Nangyari na naman na nakapag-reserba na kami ng tiket nang sumunod na taon ay hindi na naman kami natuloy! Hindi naman sa nawalan na ako ng gana na magbiyahe patungong London. Isinantabi ko na lamang ang aking pagnanais na makita ang siyudad na siyang madalas na tagpo ng mga istoryang isinulat ng paborito kong manunulat na si Barbara Cartland...Ako pa naman ang tipo na pakitaan mo ng litrato ng mga kilalang lugar sa London at masasabi ko kung aling lugar iyon. Kaya naman nitong mga nakakaraan, kapag ang usapan ay paglalakbay o kahit na kaliit-liitang plano na gagawin, wala akong masyadong masabi. Wala akong kontribusyon at kung mayroon man, "Ah, kung may awa ang Diyos (Santiago 4: 15), magagawa ko ito at makararating din ako doon." (ATB)





TAGALOG---Gamitin mo ang iyong wika!

Ah, dapat nga palang Tagalog ang gamitin kong wika para sa blog na ito. Iyon ang hirap sa isang taong nadagdagan na naman ng bigat ang utak ng isa pang wika. Tatlo nang lengguwahe ang aking pananalita, idagdag na ang wikang katutubo ng aking ina. Isa pa, kaakibat ng pagkaalam ng wika sa Norway ay ang pagkaintindi ng Swedish at Danish. May balak nga akong mag-aral ng Pranses; at ang aking Espanyol ay natutulog lamang (may Spanish course pa noong ako ay nasa kolehiyo, yukk). Kaya lang, may mga panahon na sa tingin ko ay mas nais kong isulat ang aking mga isipin sa wikang Ingles. Ang wikang ginagamit ng aking isipan ay Ingles; ang wikang ginagamit ng aking pananalita ay depende kung saang lugar ako naroon at kung sino ang kausap ko. Nalimi ko ang bagay na ito nang minsang tanungin ako ng aking guro sa kolehiyo kung anong wika ang ginagamit ko sa aking isipan---aminado ako---ito ay madalas na Ingles. Subalit kung minsan, depende sa estado ng aking damdamin, Tagalog ang madalas kong gamit kapag ako ay nalulungkot o nagagalit at Norwegian kapag ako ay masaya---pinipindot ko na lang ang butones sa aking isipan kung ano ang nais kong gamiting wika. Ito ang suliranin ng maraming wika.

MENTAL BLOCK


I have never admitted succumbing to the so-called mental block. I say, I don't have such a thing. But what I do have are laziness, being out of focus, being not in the mood, physical sickness, or simply---I don't care attitude. When I am in one or more of those of the above, I stop with what I am doing (mostly nothing, actually), I drink tea or coffee or do something else. Then I will just realize that I have been out of focus for a week or half year or maybe longer. That's mental block for me. But can I call it that when I just lost the interest in finishing a story? Or the story lost steam? I say, I shouldn't have started writing that story at all. That's the problem with writers who call the blame mental block---it is like forcing themselves to think when there is no more to think. So I just chuck the project into the bin and take my dog for a walk.